Apat katao na miyembro ng isang pamilya ang nasawi makaraang masunog ang kanilang bahay sa Gumamela Street Katipunan Village, Barangay Western Bicutan, Taguig City kahapon ng madaling araw, Oktubre 5.
Ang isa sa mga nasawi ay ang beinte anyos na graduating sa seaman course na si Naser Entuna.
Namatay rin ang isang nagngangalang Inday at ang kambal na babaeng anak nitong 13 taong gulang na pinsan ni Entuna na nakilalang sina Jhanna at Hanna.
Ang panganay na anak na lalaki ni Inday ay nakaligtas sa sunog dahil nakitulog ito sa isang kamag-aral.
"May masama raw siyang panaginip sa akin. Naaksidente raw po ako kaya di ako pinatulog sa bahay. Ginising na lang ako ng kaklase ko na nasusunog na raw bahay namin. Di ko nga alam na patay na sina Mama," ang umiiyak na salaysay ng anak na lalaki ni Inday.
Hindi rin napigilan ni Lucia Entuna, in ani Naser, ang umiyak habang inaalala ang kanyang anak na nasawi.
"Masakit talaga. Lahat ng pinapangarap ng anak ko...graduating ang anak ko ng seaman."
Tinangka ng mga magkakapitbahay na patayin ang sunog sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong subalit nang magising sila ay bagsak na ang kisame ng bahay. Nahirapan din ang apat na trak ng bumbero na rumesponde na apulain agad ang sunog na umabot lamang sa first alarm. Ang bahay ay gawa sa kahoy kaya't madaling natupok.
Sa pangunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, isang naiwang nakasaksak na electric fan ang posibleng pinagmulan ng sunog.
(Mga larawan mula sa FB account ni Lucia Entuna)
Graduating ng Seaman Course, Pinsang Kambal at Nanay ng mga Ito, Patay sa Sunog sa Western Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: