Ilang residente ng Barangay Pembo, Makati City ang lumiham sa lokal na pamahalaan ng Taguig City at pinamamadali ang paglipat nila sa Taguig upang maging residente na nito.

Sa dalawang pahinang liham sa mga opisyales ng Taguig, nakasaad doon ang pahayag ng grupong Mandirigma ng Pembo ng kanilang pagnanais na makalipat na ang kanilang barangay sa ilalim ng pamumuno ng Taguig.
"We would like to make known to you that we are eagerly awaiting for the complete takeover of Taguig City," ayon sa grupo sa kanilang liham.

Nais din ng grupong ito na alamin kung ano ang kanilang maaasahan sa pamahalaang lungsod ng Taguig kapag ang kanilang barangay ay nailipat na sa pamamahala nito.

Ayon sa kanila, may mga fake news na kumakalat na hindi pa sila maililipat sa pamumuno ng Taguig at may pagdinig pa umanong gagawin ang Korte Suprema upang talakayin ang territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati.

"They are busy suppressing and twisting the mindset of the people on the issue of Taguig vs Makati. Employees known to be supporters of Taguig are forced to resign. Those people are maligned, shamed and immediately removed from service without due process," ayon pa sa liham ng nagpakilalang Madirigma ng Pembo.

Hindi naman inilabas ang pangalan ng mga miyembro ng grupo na lumiham sa Taguig.

News Image #1