Tanging ang mga unipormadong tauhan lamang ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at iba pang otorisadong ahensyang naka-official duty ang papayagang magdala ng baril sa Metro Manila mula Oktubre 13, 2024 ng alas 12:01 ng madaling araw hanggang alas 12:00 ng hatinggabi sa Oktubre 18, 2024.
(File photo ng Philippine Information Agency)
Ito ang inilabas na kautusan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng pagsususpinde sa lahat ng permits to carry firearms (PTCFOR) sa Metro Manila dahil sa isinasagawang Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).
"All PTCFOR are SUSPENDED within Metro Manila from 12:01 AM October 13, 2024 to 12:00 MN October 18, 2024 during the Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) to be held at the Philippine International Convention Center (PICC)," ang inilabas na pahayag ng NCRPO.
Sinabi ng NCRPO na ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at matiyak din ang seguridad sa kapaligiran ng pinagdarausan ng kagnpan.
Ang pamahalaan ng Pilipinas katuwang ang United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) ang host ng APMCDRR mula Oktubre 12 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Manila.
Mahigit sa 3, 000 ang lalahok sa kumperensiya mula sa 69 na bansa.
Ang APMCDRR ang pangunahing platform sa Asya at Pasipiko para mag-monitor, mag-aral at palakasin pa ang kooperasyon sa implementasyon ng Sendai Framework for Disaster Risk Reduction 2015-2030 sa lebel ng rehiyon.
Magsasama-sama ang mga gobyerno, intergovernmental, international, national at mga pribadong organisasyon, ang pribadong sektor, ang nasa siyensya, akademya at iba pang grupo na magsusulong ng pagbabawas ng panganib ng mga sakuna.
Sa kumperensiya na may temang "Surge to 2030: Enhancing ambition in Asia-Pacific to accelerate disaster risk reduction," magbibigay ito ng mahalagang oportunidad na mapag-aralang muli ng mga pagtatangka upang mabawasan ang mga panganib ng sakuna, maibahagi ang mga makabagong solusyon at maibigay ang kanilang pagtiyak na aaksyon upang mas mapababa ang pagdating ng mga sakuna sa taong 2030, sa mga rehiyong madalas na tinatamaan ng kalamidad at sakuna.
Gun Ban sa Metro Manila, Epektibo mula Oktubre 14 Hanggang 18, 2024 sa Pagsasagawa ng Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: