Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) kahapon, Enero 12, 2025, ang paglalagay ng checkpoints sa iba't ibang bahagi ng bansa makaraang ipatupad ang gun ban batay sa kautusan ng Commission on Elections (COMELEC).
Ang pagbabawal sa pagdadala ng baril sa labas ng bahay ay bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan sa panahon ng eleksyon na magbubunsod sa 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.
Sa Taguig City, naglagay na ng checkpoints sa MACDA J.P. Rizal Extension, Barangay Cembo at sa Rizal Drive corner 32nd Ave. Bonifacio Global City (BGC) na personal na nasaksihan n gating Taguig.com reporter na si Jayson Pulga.
Sinabi ni Comelec Chariman George Erwin Garcia na mayroong papayagang magdala ng baril sa labas kung kabilang sa trabaho ng mga ito tulad ng mga tagapagpatupad ng batas. Kailangang kumuha ng exemption certificate mula sa Comelec.
Ang mga lalabag sa gun ban ay maaring makasuhan na paglabag sa batas sa halalan at posibleng makulong ng isa hanggang anim na taon.
Ang mga checkpoints ay para sa visual inspection lamang, at hindi maaaring buksan ng mga pulis ang taguan o trunk o glove compartment ng sasakyan. Hindi rin maaaring palabasin ng kanilang sasakyan ang mga driver para kapkapan.
Apat nang indibidwal ang nahuli makaraang ipatupad ang gun ban kahapon. Ang gun ban ay matatapos sa Hunyo 11, 2025.
(Mga larawan ni Jayson Pulga)
Gun Ban at Police Checkpoints, Sinimulan na Kahapon, Enero 12. Matatapos ang Gun Ban sa Hunyo 11, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: