Patuloy ang pag-ulan sa bansa dulot ng habagat o southwest monsoon kung saan ang partikular na naaapektuhan ay ang Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

News Image #1

(File photo by Dexter Terante)


Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) na ang Mimaropa, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ang makakaranas ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa loob ng 24 oras.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng mga biglaang pagbabaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga naturang lugar.

Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas din ng panaka-nakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa araw na ito, Agosto 26, 2024. Nasa banayad hanggang sa bahagyang maalon naman ang mga karagatan.

Samantala, ang binabatayang bagyong Shanshan ay nananatiling nasal abas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at hindi makakaapekto sa kasalukuyang lagay ng panahon sa bansa. Ang bagong Shanshan ay namataan ng 1, 725 kilometro silangan hilagang silangan ng Hilagang Luzon at hindi inaasahang papasok sa bansa.