Isang habal habal driver at ang kasama nitong lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya sa Barangay Western Bicutan, Taguig City noong Hulyo 10, 2024 makaraang makumpiska sa mga ito ang may 53 gramo ng shabu.

News Image #1


Sa pinagsamang operasyon ng Southern Police District Drug Enforcement Unit, District Intelligence Division, District Special Operations Unit, District Mobile Force Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency - Southern District Office, at Sub-station 2 ng Taguig City Police Station, nalaglag sa kanilang kamay si alyas Melvin, 43 taong gulang na habal-habal driver na matagal nang tinutugaygayan ng pulisya dahil sa droga.

Kasama niyang naaresto ang 51 taong gulang na si alyas George na matagal na ring nasasangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Bandang alas 5:30 ng hapon noong Hulyo 10 nang isagawa ang buy-bust operation kung saan nakuha sa dalawa ang
3 heat-sealed transparent plastic sachets na pinaniniwalaang ang laman ay shabu na nagkakahalaga ng ₱360,400.00.

Nabawi rin ang buy-bust money na isang tunay na ₱1000.00 bill 24 piraso ng ₱1000.00 boodle money at isang mobile phone.

Ang nakumpiskang mga droga at gamit ay ibinigay na sa
SPD Forensic Unit para sa karagdaganh eksaminasyon sa laboratoryo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article 2 ng Republic Act 9165 ang dalawa.

(Larawan mula sa SPD)