Aabot sa 42 degrees Celsius ngayong araw na ito, Abril 2, ang heat index sa Metro Manila, at 43 degrees Celsius naman sa ilang lalawigan, batay sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Abril 3, 2024 naman, tinatayang aabot ang init na mararamdaman sa 43 degrees Celsius sa National Capital Region.

News Image #1

(Screenshot mula sa PAGASA website)

Bunga nito, ilang local government units sa Metro Manila at mga lalawigan ang nagpasyahang huwag na munang papasukin sa eskwelahan ang mga public school students at dumalo na lamang sa online classes.

News Image #2

(Kuha ni Vera Victoria)

Sa Metro Manila, nagpasya ang Quezon City government na magsagawa na lamang ng asynchronous classes sa day care, elementary at secondary public schools ngayong Abril 2.

Nasa diskresyon na ng mga pribadong eskwelahan kung magsususpinde rin ang mga ito ng face to face classes, subalit dahil karamihan sa mga ito ay may airconditioning units naman, posibleng hindi na kailanganin ang suspensyon.


Sinuspinde rin ang klase mula preschool hanggang senior high school, pampubliko at pribado ngayong Abril 2 sa mga sumusunod na lugar dahil aabot hanggang 43 degrees Celsius ang init.

Iloilo City
Bacolod City
E.B. Magalona, Negros Occidental
Isabela, Negros Occidental
Silay City, Negros Occidental
Hinoba-an, Negros Occidental
Bago City, Negros Occidental
Dumangas, Iloilo
Roxas City, Capiz
Kabankalan City, Negros Occidental

Sa Tantangan, South Cotabato, ipinatutupad naman ang kalahating araw lamang na klase sa lahat ng lebel, pampubliko at probadong eskwelahan, hanggang Abril a kinse.

Inatasan din ng nga local government units na magpatupad ng blended learning, kasama ang online and online at modular methods, habang nakasuspinde ang mga face to face na klase.