Umpisa na ng northeast monsoon season o tinatawag na amihan kahapon, Martes, Nobyembre 19, 2024.

Magkakaroon ng mas marami pang pagbugso ng northeasterly wind sa susunod na dalawang linggo na lilikha ng pagtaas ng atmospheric pressure at paglamig ng surface air temperature sa Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

News Image #1

(Larawan ni Vera Victoria)

Ang hanging amihan ay kadalasang nanggagaling sa malakas na high pressure area sa Siberia.

Nagbabala lamang ang PAGASA na magiging maalon ang mga karagatan lalo na sa mga baybaying dagat ng Luzon.

Samantala, sinabi ng PAGASA na wala silang namamataang anumang sama ng panahon makalipas ang pag-alis sa bansa ng bagyong Pepito.

News Image #2

(Larawan ng PAGASA)