Napigilan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtakas ng isang Japanese national na wanted sa Japan dahil sa panloloko at money laundering.
Ang 37 taong gulang na si Hiroyuki Kawasaki ay naaresto noong Agosto 14, 2024 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 habang papasakay sana ng isang Philippine Airlines flight patungo sa Singapore.
Nagpositibo sa Interpol derogatory check si Kawasaki habang pino-proseso ng isang immigration officer ang kanyang dokumento.
Matagal nang pinaghahanap ng pamahalaan ng Japan si Kawasaki dahil sa kasong pamemeke ng mga opisyal na dokumento at financial fraud.
Pinapalsipika nito diumano ang mga electronic records ng notarized na kontrata kung saan nagagamit naman ito upang maloko ang ilang kumpanya sa Japan kaugnay ng kanilang mga deposito sa bangko.
"Japanese authorities also alleged that Kawasaki was responsible creating several shell companies which he used to siphon the funds of legitimate corporations who engaged his services as their investment manager," ang pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.
Ang mga shell companies na ito ang diumano ay ginagamit para ma-launder ang mga pondo na wini-withdraw naman ni Kawasaki at kanyang mga kasapakat sa mga bank account ng kanilang biktima.
Sa ngayon ay nasa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City si Kawasaki habang hinihintay ang deportasyon nito.
According to Tansingco, Kawasaki was placed in the BI watchlist last Aug. after was charged with a deportation case for being an undesirable alien.
Tansingco said the Japanese fugitive will be sent back to Tokyo as soon as the BI board of commissioners issues the order for his summary deportation.
Hapon na Sangkot sa Pamemeke ng Kontrata at Money Laundering, Naharang sa NAIA | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: