Ibinunyag ni Senador Alan Peter Cayetano na hanggang ngayon ay nakakandado pa rin ang mga health centers sa enlisted men's barrio (EMBO) barangays sa Taguig City na dati ay nasa ilalim ng Makati City.
(Screenshot mula sa Senate hearing)
Sinita ni Cayetano ang Department of Health (DOH) kung bakit wala pa ring aksyon hanggang ngayon sa ginawang pagsasara ng Makati City sa mga health centers sa EMBO na hindi magamit para sa kapakanan ng mga bagong Taguigeño.
Sa budget hearing ng DOH sa Senado noong Nobyembre 19, 2024, sinabi ng senador na narinig niya sa radyo na sinabi ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na wala siyang magagawa sa sitwasyong ito kaya't magpapadala na lamang siya ng mga mobile clinics at mga gamot upang matulungan ang mga residente ng EMBO.
"Everything you said, you did not do. You did not send mobile clinics, you did not send personnel and when Mayor Lani (Cayetano, Taguig City Mayor) called you, instead of addressing her concerns, and sagot mo, write you," ayon sa Senador.
Sinabi naman ni Herbosa na ang kasunduan ay ililipat na sa pamamahala ng Taguig City mula sa Makati City ang mga naturang health centers pagdating ng Setyembre 1 ng taong ito.
"Yes, alam namin na nakakandado. Remember the agreement was, after September 1, they would be turned over. Yet they didn't. That time we were also ... I even added a new regional director for Metro Manila," ayon kay Herbosa,
Sa kasalukuyan, sinabi ni Herbosa na nagbibigay naman ang DOH ng tulong para sa mga may karamdaman sa Taguig sa pamamagitan ng Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP).
Sa naunang panayam ng Taguig.com kay Mayor Cayetano nang magharap ito ng certificate of candidacy sa Convention Hall ng New Taguig City Hall noong Oktubre 7, 2024, sinabi nitong nananatili ang kanilang posisyon na ang mga pasilidad na nakatayo sa kalupaan ng EMBO na inilipat na sa Taguig sa bisa ng kautusan ng Korte Suprema ay pag-aari ng City Government at pag-aari ng tao.
(Larawan ni Jayson Pulga)
"Saan po hahanapin ang paliwanag na mamatamisin nyo na nakakandado, nilulumot, inaamag kaysa ipagamit sa tao? In-express ko po ito sa Secretary of Health, Secretary of DILG, at sa mga opisyal ng Makati. Ang sabi ko kapag ipinagamit nyo yan sa tao, hindi naman nangangahulugan na yung ownership nyaan ay isinusuko nyo sa amin. You can still pursue your legal domain over those facilities," ayon kay Mayor Cayetano.
Sa ngayon, ang mga mamamayan ng EMBO barangays na nangangailangan ng titingin sa kanilang kalusugan ay makakapagpakonsulta sa pamamagitan ng telemedicine at may mga health centers din sa Taguig na maaari nilang mapuntahan, na tinawag na catchment health facilities,
Bukas ang teleconsultation hotlines mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., Lunes hanggang Biyernes. Ito ay magbibigay ng mga libreng medical check-up at referral, maging prescriptions at laboratory requests na libre ring makukuha ng mga residente.
𝐓𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐈𝐍𝐄 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐄𝐌𝐁𝐎 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘𝐒
•BARANGAY WEST REMBO
Telemedicine Number: 09628330504
Official Facebook Page: https://www.facebook.com/BarangayWestRemboHealthCenterTaguig/
•BARANGAY PITOGO
Telemedicine Number: 09628330498
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterPitogoTaguig/
•BARANGAY CEMBO
Telemedicine Number: 09628330502
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayCemboTaguigHealthCenter/
•BARANGAY PEMBO
Telemedicine Number: 09998027191
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterPemboTaguig/
•BARANGAY SOUTH CEMBO
Telemedicine Number: 09497744676
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterSouthCemboTaguig/
•BARANGAY EAST REMBO
Telemedicine Number: 09497744668
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterEastRemboTaguig/
•BARANGAY RIZAL
Telemedicine Number: 09628330496
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterRizalTaguig/
•BARANGAY POST PROPER NORTHSIDE
Telemedicine Number: 09628330501
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterPostProperNorthsideTaguig/
•BARANGAY POST PROPER SOUTHSIDE
Telemedicine Number: 09497744680
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterPostProperSouthsideTaguig/
•BARANGAY COMEMBO
Telemedicine Number: 09627634145
Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/BarangayHealthCenterComemboTaguig/
(Mga larawan ng Taguig PIO)
Health Centers sa EMBO Barangays, Nakakandado Pa Rin; Sinita ni Senador Cayetano ang DOH Kung Bakit Walang Aksyon Dito | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: