May mga pagkukulang ang ilang mga istasyon ng pulisya sa Southern Police District.
Sa sorpresang pagbisita ni Major General Edgar Alan Okubo, direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Hunyo 16 ng gabi, nakita niyang ang istasyon ng pulisya sa Maharlika, Taguig ay iisa lamang ang naka-duty na pulis samantalang ang iba ay nakatalaga sa mga checkpoints.
Wala namang pulis na dumadalo sa mga mamamayang magtatanong o magsusumbong sa Baclaran, Paranaque police station.
Ang mga kulungan naman sa mga himpilan ng pulisya sa Malibay, Pasay at Bangkal, Makati ay walang closed-circuit television (CCTV) cameras bukod pa sa nagsisiksikan ang mga bilanggo rito.
Pinagpapaliwanag ni Okubo ang direktor ng S{D na si Brig. Gen. Kirby John Kraft sa mga pagkukulang na ito sa mga himpilan ng pulisya.
Sinabi ni Okubo na kailangang maimplementa ang "buddy system" upang matiyak na may dalawang pulis na naka-duty sa mga himpilan ng pulisya.
Maaari rin aniyang humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan at mga stakeholders ang mga district directors o station commanders ng mga himpilan ng pulisya upang makabili ang mga ito ng CCTV cameras.
Hepe ng NCRPO Nagsagawa ng Sorpresang Pagbisita sa SPD Stations | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: