Hindi pa nakakapagpahinga ang Hilagang Luzon, isa na namang bagyo ang bumabayo rito at posibleng bumagsak sa kalupaan ng silangang baybayin ng Cagayan o Isabela sa Huwebes, Nobyembre 14, 2024 ng hapon o gabi.

News Image #1


Tinatayang ang pagkilos nito ay pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras, batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA kagabi ng alas 11:00.

Dala nito ang hanging may lakas na 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 135 kilometro kada oras. Kagabi, ang sentro ng bagyong Ofel na nasa Severe Tropical Storm category ay nasa 630 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes (14.5°N, 130.0°E).

Itinaas na sa Signal Number 1 ang wind signal sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, hilaga-silangang Isabela (Maconacon, San Pablo, Cabagan, Santa Maria, Divilacan, Palanan), at silangang bahagi ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol) dahil sa bagyong Ofel.

News Image #2



Napakalakas na ulan ang dinadala ng bagyong Ofel sa Isabela at Cagayan na makakaranas ng intense hanggang sa torrential na ulan ngayong araw na ito, Nobyembre 13.

News Image #3


Heavy to intense naman ang ulan sa mga sumusunod: Apayao, Abra, Batanes, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao

News Image #4


Moderate to heavy naman ang ulan sa: Aurora, Ilocos Norte, Nueva Vizcaya, Benguet, Quirino, at Ilocos Sur.

(Mga Larawan ng PAGASA)