Binigyan ng parangal at cash incentives ng pamahalaang lungsod ng Taguig City ang mga nasa honor roll at achievers na mga nagsipagtapos ng elementarya at high school sa mga eskwelahan sa lungsod.
Umaabot sa 5, 715 ang nakatapos ng primary at secondary school mula sa mga eskwelahan ng Signal Village National High School, Sen. Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School, Taguig Integrated School, Gat Andres Bonifacio High School, Taguig Science High School, South Daanghari Elementary School (formerly Bagong Tanyag Elementary School), at Stand Alone Senior High School within Taguig Integrated School at pinarangalan sa seremonya sa kani-kanilang eskwelahan noong Hulyo 11.
Ang mga senior high school graduates naman ay nakatanggap ng mga scholarship vouchers na magagamit ng mga ito sa pag-aaral sa mga pampubliko o pribadong unibersidad, o kahit sa mga technical and vocational schools.
Sa mensahe ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, sinabi niyang ang tagumpay ay hindi nakukuha ng madalian. "Kailangang patuloy kayong maging masigasig sa pagtahak sa landas tungo sa pag-abot ng kanya-kanya ninyong mga pangarap. Each step you take, each decision you've made has the power to shape your future," ayon sa alkalde.
Hinikayat niya ang mga graduates ng Taguig na patuloy na mag-aral at magsumikap upang maging makabuluhang bahagi ng progreso ng Taguig.
(Photo from I Love Taguig FB page)
Honor Graduates ng Taguig Schools, May Cash Incentive | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: