Magsisimula na ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga buntis, senior citizens at persons with disabilities sa Taguig City ngayong Nobyembre 15, 2024.
(Larawan ni Dexter Terante)
Hindi na kailangang magtungo pa sa distribution venues ang mga naturang espesyal na mga mamamayan ng Taguig dahil pupuntahan ang mga ito ng mga tauhan ng Taguig City Hall sa kanilang bahay para ibigay ang kanilang Pamaskong Handog na kinabibilangan ng 10 kilo ng bigas, mga de lata at pang-spaghetti at iba pa.
(Larawan ng Taguig PIO)
Ang mga buntis, PWDs at senior citizens sa bawat pamilya sa Taguig ang itinuturing na head of the family kaya't sila ang tatanggap ng Pamaskong Handog para sa kanilang pamilya.
House to House Distribution ng Pamaskong Handog ng mga Taguig Senior Citizens, PWDs at Buntis, Sisimulan na Ngayong Nobyembre 15 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: