Ngayon, Enero 12, 2025, ang huling araw na bukas sa publiko ang The Lights of Christmas sa TLC Park, Lakeshore Road (C6), Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

News Image #1


Ang pinakamalaking lights park sa bansa ay ang kinaroroonan ng Lights of Christmas display ng Taguig City, bukod sa Mural Park, Christmas on Display (COD) na may gumagalaw na mga manikin, lugar para sa mga artworks o paintings at ang TLC Food Park.



Naroon din ang Mercado del Lago Floating Village kung saan maaaring pumasyal at makita ang Laguna Lake.

Ang The Lights of Christmas ay magbubukas ngayong alas 5:00 ng hapon at magsasara ng alas 10:00 ng gabi.

News Image #2


Libre ang pagpasok sa parke, at hindi lamang mga Taguigeño ang maaaring magtungo rito kung hindi maging ang mga taga ibang lugar sa Pilipinas o mga turista mula sa ibang bansa.

Isa sa mga bumisita sa Christmas by the Lake ay ang Miss Universe-Asia na si Chelsea Manalo.

News Image #3


(Mga larawan ng Taguig PIO)