Simula Enero a uno ng taong 2024, ang lahat ng mga kasong sibil at kriminal na nangyari sa mga lugar na nasasakupan ng Parcels 3 at 4, PSU-2031 ng Fort Bonifacio Military Reservation na dating Makati at kamakailan ay idineklara nang bahagi ng Taguig City, ay ihaharap na sa mga korte ng Taguig City.
Ito ang ipinalabas na panuntunan ng Korte Suprema kaugnay ng pamamahala ng mga korte ng Taguig City sa mga kasong may kinalaman sa EMBO (Enlsted Men's Barrio) barangays.
Tugon ito ng Korte Suprema sa liham ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na humiling sa korte na mailipat na ang hurisdiksyon sa mga korte sa Taguig noon pa sanang Oktubre 16 ng taong ito.
Gayunman, upang matulungan ang mga korte, prosekusyon, Public Attorneys Office at iba pang mga may kinalaman sa korte na makapaghanda sa transisyon, itinakda na lamang ng Korte Suprema ang opisyal na paglilipat sa Enero 1, 2024.
Ang mga kasong kriminal na nangyari sa mga EMBO barangays at sa Fort Bonifacio bago mag-Enero 1, 2024 ay ihaharap pa rin sa Makati Prosecutor's Office.
Gayunman, pagsapit ng Enero 1, 2024, ang lahat ng mga reklamo sa mga kasong kriminal na nangyari sa mismong Enero 1, 2024 at sa mga susunod na araw ay ihaharap na sa Taguig City Prosecutor's Office.
Ang lahat ng mga sibil at kriminal na kaso na naisampa na o naka-pending sa first at second level courts ng Makati City bago mag-Enero 1, 2024, ay itutuloy pa rin ang pagdinig at pagdedesisyon ng korte ng Makati City.
"All parties, including judges, court personnel, prosecutors, public attorneys, legal practitioners and the general public are enjoined by the High Court to review and adhere to the guidelines to facilitate a smooth and orderly transition," ang pahayag ng korte.
(Logo by the Suprema Court)
Hurisdiksyon sa mga Kasong Kriminal at Sibil sa EMBO Barangays, Ililipat na sa Taguig Courts sa Enero 1, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: