Matatanggap na ng mga sibilyang manggagawa ng pamahalaan ang ikalawang bahagi ng pagtataas sa kanilang sweldo ngayong Enero makaraang lagdaan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang circular kaugnay nito kung saan nakasaad ang panuntunan sa salary adjustment.
(Larawan ni Vera Victoria)
Ang National Budget Circular No. 597 ay nakaugnay sa implementasyon ng pinakahuling Salary Schedule for Civilian Personnel bilang tugon sa Executive Order (EO) No. 64. Ito naman ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Agosto 2024, na nagtatakda ng apat na bahagi ng pagtataas ng sweldo ng mga sibilyang manggagawa sa pamahalaan na ang implementasyon ay tuwing Enero ng taong 2024, 2025, 2026 at 2027.
"We hope that this second tranche will provide much-needed financial relief and allow our government workers to better support their families, invest in their futures, and enhance their overall quality of life," ang pahayag ni Pangandaman.
Ang mga sakop ng pagtataas na ito ay ang mga sibilyang manggagawa ng pamahalaan sa ehekutibo, lehislatibo at judicial na sangay ng pamahalaan, at gayundin ang mga mangaggawa sa constitutional commissions at iba pang constitutional offices, state universities at colleges, at maging sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) na hindi nasasakop ng Republic Act (RA) No. 10149 at EO No. 150, kahitt na ano pa ang appointment status - egular, casual o contractual; appointive o elective; o nasa full-time o part-time basis.
Gayunman, hindi kasali sa pagtataas ang mga unipormado tulad ng nasa militar, pulisya, ahensya ng pamahalaan na hindi sakop ng RA No. 6758, GOCCs na nasa ilalim ng RA No. 10149 at EO No. 150, at mga indibidwal na nasa employer-employee relationship at pinopondohan ng non-personnel services appropriations/budgets.
Hindi rin kasali ang mga student workers at apprentices at mga taong ang serbisyo ay mula sa job orders, contracts of service o iba pang katulad na sitwasyon.
Ang gagastusin sa salary adjustment ng mga kawani ng pamahalaan ay magmumula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund at anumang maaaring pagkunan sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.
Sa mga GOCCs naman na kasali sa circular, ang pondo ay manggagaling sa kanilang operating budget, batay sap ag-apruba ng DBM.
Ikalawang Bahagi ng Salary Increase ng mga Sibilyang Mangaggawa ng Pamahalaan, Matatanggap na Ngayong Enero; Hanggang 2027 ang Salary Adjustment na Ito | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: