Mawawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Barangay New Lower Bicutan at Barangay Hagonoy sa Taguig City sa Nobyembre 7, 2024 ng madaling araw.

News Image #1

(Larawan ng Meralco)

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), pansamantalang mawawalan ng kuryente sa Huwebes sa pagitan ng alas 12:15 ng madaling araw at alas 4:15 ng madaling araw sa bahagi ng MRT Avenue mula sa M.L. Quezon Avenue tungo sa C6 Road sa Barangay New Lower Bicutan at Barangay Hagonoy.

Maapektuhan din ang mga malalapit na kalye sa M.L. Quezon Avenue at C6 Road.

Magpapalit at maglilipat ng mga poste at linya ng kuryente ang Meralco sa mga naturang lugar bukod sa maglalagay ng dagdag na proteksyon laban sa kidlat sa MRT Avenue.