Magsasagawa ng line maintenance works sa loob ng Bonifacio Global City (BCG) sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City ang Manila Electric Company (Meralco) sa Agosto 1 at 2.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Dahil dito, pansamantalang mawawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng BGC mula alas 11:00 ng gabi ng Huwebes at alas 4:00 ng madaling araw ng Biyernes, ayon sa Meralco.

Kabilang sa maaapektuhan ng pansamantalang kawalan ng kuryente ay ang mga sumusunod: Icon Plaza, Seibu Tower, RCBC - A. T. Yuchengco Centre, Sun Life Centre, Fort Victoria, Philippine Realty Holdings Corp. at ang Singapore Embassy sa BGC.

Samantala, ang bahagi naman ng Kentucky Street mula ML Quezon Avenue hanggang Lt. RR Cruz Street at P. Cruz Villa sa Barangay Bambang ay mawawalan din ng kuryente sa Hulyo 31, 2024 dahil sa pag-aayos ng linya ng kuryente.

Ito naman ay mangyayari ngayong Miyerkules, alas 9:00 ng umaga at alas 2:00 ng hapon.