Isasara ang ilang kalye ng Bonifacio Global City (BGC) Taguig City kaugnay ng isasagawang pinakamalaking New Year's Eve Party sa lugar na pinamagatang NYE at the 5th.

News Image #1


Sa Disyembre 30, 2024 ng alas 12:00 ng hatinggabi hanggang sa Enero 1, 2025 ng alas kuatro ng hapon, sarado ang buong 5th Avenue sa BGC.

Sa Disyembre 31, 2024 mula alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 4:00 ng hapon ng Enero 1, 2025 ay sarado naman ang 30th Street at ang bahagi ng 5th Avenue na nasa hangganan ng 20th Street at 26th Street.

Mula naman Disyembre 27 ng alas 12:00 ng hatinggabi hanggang Enero 1 ng alas 4:00 ng hapon ay sarado ang bahagi ng 5th Avenue mula sa hangganan ng 30th Street at 28th Street.

Ang 28th Street ay sarado ng Disyembre 31 ng alas 12:00 ng hatinggabi hanggang alas 12:00 ng tanghali sa Enero 1.

Sarado rin ang 31st Street at 27th Street mula alas 12:00 ng hatinggabi ng Disyembre 28 hanggang alas 4:00 ng hapon ng Enero 1.

Ang bahagi naman ng 7th Avenue mula sa hangganan ng 30th Street at 28th Street at sarado ng alas 6:00 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang alas 5:00 ng umaga ng Enero 1.

News Image #2


May ibinahagi ring mapa ang BGC para sa mga magpa-park ng kanilang mga sasakyan sa panahon ng kasiyahan.

News Image #3


Magsisimula ang NYE at the 5th sa pamamagitan ng isang anticipated New Year mass ganap na alas 5:00 ng hapon sa Bonifacio High Street Amphitheater.

Magbubukas naman para sa concert-goers ganap na alas 7:30 ng gabi. Kabilang sa magtatanghal ang Korean Pop Group na Itzy, ang British pop duo na Honne at ang OPM artist na si Rico Blanco.