Mawawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Barangay Lower at Upper Bicutan sa darating na Huwebes, Setyembre 26, 2024 ng alas 11:00 ng gabi at sa Biyernes, Setyembre 27, 2024 ng alas 4:00 ng umaga bunga ng isasagawang pagmamantina ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga pasilidad-kuryente.
(Larawan mula sa Meralco)
Ililipat ang pangunahing pasilidad ng kuryente sa may General Santos Avenue, Barangay Lower Bicutan kung kaya't kinakailangang patayin pansamantala ang serbisyo ng kuryente.
Kabilang sa maaapektuhan ng pansamantalang black out ay ang bahagi ng General Santos Avenue mula sa malapit sa Department of Science and Technology (DOST) Food and Nutrition Research Institute (FNRI) kasama ang Quarters, Camp Bagong Diwa, Department of Public Works and Highways (DPWH) - NCR Compound, Upper Bicutan Elementary School, Upper Bicutan National High School, DEPED Taguig City, Taguig City University at Taguig City Hall of Justice sa Barangay Upper Bicutan at Lower Bicutan.
Ilang Lugar sa Barangay Lower at Upper Bicutan, Mawawalan ng Kuryente sa Setyembre 26-27, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: