Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang lugar sa Barangay Upper Bicutan at Barangay Maharlika, Taguig City dahil sa isasagawang step test activity ng Manila Water sa may kanto ng A. Bonifacio at Maharlika Avenue, Taguig City ngayong alas 10:00 ng gabi ng Hunyo 6, 2024 hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Hunyo 7, 2024.
Ang step testing procedure ay ginagawa upang malaman kung saan eksakto mayroong malakas na tagas ng tubig.
Kabilang sa mga lugar sa Barangay Upper Bicutan na pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig sa loob ng 6 na oras ay ang:
• Sitio Imelda
• C.I.M.
Kabilang naman sa mga lugar sa Barangay Maharlika na maaapektuhan ng water interruption ay ang:
• Maharlika Avenue
• Darul Nur
• Zamboanga
• Maguindanao
• Marawi Avenue
• Pendatun
• Marantao
Inaasahang babalik sa normal ang suplay ng tubig sa mga apektadong lugar sa dalawang barangay makalipas ang 6 na oras o pagdating ng alas 4:00 ng madaling araw ng Hunyo 7, 2024.
(Mga kuha ni Dexter Terante)
Ilang Lugar sa Barangays Upper Bicutan at Maharlika, Taguig, Mawawalan ng Tubig sa Hunyo 6 Hanggang 7, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: