Namo-mroblema ngayon ang ilang mga manggagawa na naapektuhan ng pagsasara ng mga establisamyento sa The Fort Strip.
(Larawan mula sa Bonifacio Global City Facebook Page)
Nagsara na ang kabuuan ng The Fort Strip noong Enero 1, 2025 at iilan lamang sa mga establisamyentong nakatayo roon ang nagpa-planong ilipat na lamang muna sa ibang lugar ang kanilang negosyo.
Gayunman, may mga maliliit na negosyo roon na walang katiyakan kung anong mangyayari.
Ang Mediterranean restaurant na My Falafel ay nagbabalak lumipat sa Venice Grand Canal Mall sa McKinley Hill sa Pebrero, ayon sa team leader nitong si Jerome Rado.
Gayunman, isang buwan din silang walang trabaho habang pinoproseso ang paglipat, bukod sa mas mataas ang renta.
Ang iba namang mga establisamyento ay higit pa sa isang buwan ang kakailanganin bago makalipat ng lugar, at ang ilan ay tuluyan nang magsasara.
Umasa ang mga ito na magkakaroon pa ng pagpapalawig ang pagsasara ng The Fort Strip subalit hindi na ito nangyari.
Ayon naman kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, makikipagusap sila sa mga apektadong establisamyento kaugnay ng magiging kalagayan ng mga manggagawa nito.
Ilang Manggagawang Apektado ng Pagsasara ng mga Establisamyento sa The Fort Strip, Wala Pang Katiyakan sa Magiging Trabaho | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: