Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng tumatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na sa Oktubre 19 hanggang 28 pa ang panahon ng kampanya para rito.

News Image #1


Ito ay makaraang nakitang lumabag ang 304 na kandidato para sa BSKE sa ilang bahagi ng Taguig. Caloocan, Parañaque, Las Piñas, Sorsogon, Tarlac, Camarines Sur, Leyte, Albay, Negros Oriental, at iba pa.

Subalit ang may pinakamataas na bilang ng nagsagawa ng premature campaigning ay sa Cebu, Quezon City, Pampanga, Bukidnon, Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Bulacan, Manila, Batangas, Bataan, Cotabato at Rizal.

Ang mga lumabag ay pinagpapaliwanag kaugnay ng maagang pangangampanya ng mga ito batay sa mga nagpahatid ng reklamo sa Comelec. Kailangang magpaliwanag ang mga ito sa Comelec sa loob ng 3 araw.

News Image #2


Kabilang umano sa ginawa ng mga maagang nangampanya ay nagpapamahagi ng mga tinapay at noodles na may mga mukha ng kandidato sa pakete, nagbabahay-bahay para makapagpamahagi ng mga gamot sa senior citizens, namimigay ng cake sa mga may birthday, at mayroon ding nagpa-pa-raffle ng sako sakong bigas, electric fan at smart television.

Ang pamimigay ng anumang gamit o pagkain na may halaga sa panahong bawal pa ang mangampanya ay maituturing na pagbili ng boto na nasa ilalim ng Section 2618 ng Omnibus Election Code.

Hinihikayat ng Comelec ang publiko na i-report ang mga gumagawa nito sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] o tumawag sa (02) 8527-2768/1897/0843.

(Photos from I Love Taguig FB page)