Nagkaroon ng pagbabago sa ilang pinuno ng Philippine Army (PA) at ipinakilala ang mga ito sa isinagawang Joint Change of Chiefs of Office and Assumption Ceremony na pinamunuan ni Army Chief of Staff Major General Potenciano Camba sa Punong Tanggapan ng Philippine Army, Fort Bonifacio, Taguig City noong Nobyembre 7, 2023.
Si Lt. Col. Louie Dema-ala na ang bagong hepe ng Army Public Affairs Office.
Pinalitan niya si Col. Xerxes Trinidad na ngayon at itinalaga na bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief ng Public Affairs Office.
Samantala, si Col. Tommy Deliva naman ang itinalaga bilang bagong hepe ng Office of the International Military Affairs (OIMA), at pinalitan niya si Col. Von Albert Sumergido.
Ang bago namang Secretary Army General Staff ay si Col. Maria Victoria Blancaflor
At ang bagong talagang Assistant Chief of Staff for Education and Training, G8 ay si Col. Von Albert Sumergido.
(Photos by Pvt Divino S. Lozano, OACPA)
Ilang Pinuno ng Philippine Army, Pinalitan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: