Ayon sa post ni Cherryque Christine Sioson sa Facebook, sinabi nitong ang kanilang motorcade na nagtapos sa isang prayer vigil ay boluntaryo at walang bahid pulitika. Aniya, walang nag-utos sa kanila upang gawin ito. Isa aniya itong inisyatibo ng mga tao at walang nagbayad sa kanila upang sumama sa motorcade.
Ang motorcade ay sinimulan sa Gate 1 ng Lawton Avenue. Umikot ito sa mga EMBO barangays. May isinagawa ring prayer vigil sa Maya Street Chapel sa Barangay Rizal ng alas kuatro ng hapon.
Nag-antabay naman ang ilang mga residente sa gilid ng daan na may mga karton at manila paper na nagsasaad ng kanilang pagmamahal sa Makati City.
Ayon sa ilang mga sumama sa rally, nananatili silang tapat sa Makati City sa kabila ng desisyon ng Mataas na Kapulungan ng Hukuman na ang Embo barangays, kasama na ang Fort Bonifacio, ay tunay na pagmamay-ari ng Taguig at hindi ng Makati City.
(Photos from the Facebook Accounts of Jessa Santos and Mie Juario)