Humihingi ng hustisya ang pamilya ng Pilipinang pinatay diumano ng kanyang asawa sa Bled, Slovenia noong bago mag-Bagong Taon.
Si Marvil Facturan-Kocjančič ay pinagsasaksak diumano ng kanyang asawang si Mitja noong Disyembre 29, 2024 habang nagbabakasyon sa may Lake Bled, Slovenia.
Nais ni Vilma Facturan na mapatawan ng karampatang parusa si Mitja na dinala sa isang mental health facility dahil may kasaysayan ito ng problema sa pag-iisip.
Hinihiling din ni Facturan na madala sa Pilipinas ang labi ng kanyang anak.
Nagkakilala sina Marvil at Mitja sa social media noong Pebrero 2024.
Pumunta sa Pilipinas si Mitja noong Hulyo at nagpakasal sila ni Marvil sa Silang, Cavite.
Dumating sa Slovenia si Marvil noong Disyembre 22, 2024.
Sa isa sa huling post ni Marvil sa social media, may ibinahagi ito tungkol sa pang-aabuso na hinihinalang may hindi magandang pangyayari na sa kanilang pagsasama.
Tiniyak naman ni Undersecretary Eduardo de Vega ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulong sila upang makamit ni Marvil ang hustisya.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ng Slovenia ang pangyayari.
Kapag napatunayang naka-recover na sa kanyang sakit sa pag-iisip si Mitja sa panahong diumano ay ginawa nito ang krimen, makakasuhan ito sa salang pagpatay at makukulong.
(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Marvil Facturan-Kocjančič)
Ina ng Pilipinang Pinatay Diumano ng Kanyang Asawang Slovenian, Hiniling ang Hustisya at Pagpapauwi sa Pilipinas ng Labi ng Kanyang Anak | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: