Isang 36 na taong gulang na ina ang huli sa aktong ibinebenta ang mga hubad na larawan ng kanyang 17 taong gulang na anak na babae, anim na taong gulang na anak na lalaki at apat na taong gulang na pamangking babae sa nga dayuhang pedophile sa tahanan nito sa Taguig City kamakailan.
Pinasok ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) - Human Trafficking Division ang bahay ng suspek sa bisa ng search at cyber warrants.
Natukoy ang pinagsasagawaan ng malaswang gawain ng naturang babae sa bahay nito sa Taguig sa tulong ng US Homeland Security na nag-alerto sa NBI.
Kasalukuyang ipinapakita ng ina sa isang dayuhan online ang larawang hubad ng kanyang anak na babae at pamangkin na babae habang naliligo ang mga ito.nang pasukin ng mga otoridad ang kanyang bahay.
Nakipag-agawan pa ang babae sa kanyang hawak na cellphone sa isang ahente ng NBI bago nakumpiska ito ng tuluyan. Nakita sa cellphone ang mga malalaswang larawan ng mga bata.
Napag-alaman ang ginagawang pagbebenta ng naturang babae sa hubad na larawan ng mga bata sa Taguig nang maaresto ang isang Amerikanong pedophile na mayroong mga child pornography materials na nanggaling sa Pilipinas.
Nahaharap ang ina ng dalawang bata at tiyahin din ng isa pa sa kasong paglabag sa Republic Act 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children), Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act at RA 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act.
Nasa NBI Detention Facility na sa New Bilibid Prisons ang babaeng suspek.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktimang bata.
Inang Nagbenta ng Hubad na Larawan ng Kanyang Mga Anak at Pamangkin, Arestado sa Bahay nito sa Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: