Na-deport na tungong Indonesia ang isang 40 taong gulang na Indonesian na naaresto ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Bagac, Bataan dahil sa pagiging takas nito sa batas.

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Hindi inaasahan na sa isang lugar sa Bataan kung saan nagsasagawa ng ilegal na online gambling activities matatagpuan ang wanted sa Indonesia na si Handoyo Salman.

Si Salman ay may kasong paglabag sa information anf electronic transactions sa kanilang bansa bukod pa sa money laundering activities nito.

Kasama ring naaresto ni Salman sa Bataan ng 41 isa pang mga dayuhan subalit hindi pa maideport ang 41 dahil isinasailalim pa sa proseso ang pagpapatapon nito.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Viado na kapag natapos na ang pagsasaayos ng mga papeles ng mga ito ay saka pa lamang sila idedeport.

"These individuals are still facing deportation cases on grounds of undesirability. However, their physical custody has been transferred under recognizance to Bataan Representative Albert Garcia and their legal counsel," ayon kay Viado.

"All 41 foreign nationals are still registered in our system, with cases ongoing. Should they be found liable, they will also face deportation in accordance with Philippine law," dagdag pa nito.