Ang pinakamalaking pagtitipon ng mga international at local artists para sa graffiti, street art at mural festival ay isinasagawa sa Taguig City sa ikalawang taon.

News Image #1


Ang "Meeting of Styles" ay sinimulan noong Mayo 3, 2024 sa Mural Park TLC Village, Laguna Lake Highway / C6, Barangay Lower Bicutan, Taguig City bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-437 anibersaryo ng Taguig.

Ang mga shipping containers ang ginagawang canvas ngayon ng mga international at local artists.

News Image #2


Maaari pa ring matunghayan ng publiko ang mga art na ito sa TLC Village hanggang Mayo 12, 2024, nula alas 4:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.

Sa pagbubukas ng "Meeting of Styles" noong Mayo 3, tiniyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang kanyang suporta sa mga artists at sa local art scene.

News Image #3


"I'm so happy to welcome our foreign guests from across the globe to collaborate with our local artists. Your presence here today brings so much color to our celebration. I hope this event will inspire other Filipino artists as we present Taguig as a city that gives importance to culture and the arts," ayon kay Cayetano.

Siyamnapung mga artists mula sa iba't ibang panig ng daigdig ang lumahok kabilang ang mga talentadong artists mula sa Australia, Malaysia, Germany, France, Japan, South Korea, Taiwan, Mexico, Brunei, Chile, the United States, Indonesia, at Saudi Arabia.

Ang mga Taguig artists naman na kasama sa kaganapang ito ay sina Nemo, Sink1, Wizo, Bvrn, at Restok at iba pang lokal na artists na sina Quiccs, Trip63, Egg Fiasco, Chill, Kookoo, Meow, Nevs, Creon, EXLD, at iba pa.

News Image #4


Nagpasalamat ang organizer ng "Meeting of Styles" na si Tripp Martinez sa pagpayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig na gamitin ang Mural Park sa ikalawang pagkakataon.

Sa nakaraang dalawang dekada, ang Meeting of Styles ang pinakamalaking taunang international event sa mga graffiti, street at mural artists simula nang dumating ito sa Pilipinas noong 2015.

(Larawan mula sa Taguig PIO)