Nagpalabas ng mga panuntunan ang pamahalaang lungsod ng Taguig kaugnay ng pagbisita sa mga sementeryong nasa nasasakupan nito.
Hinikayat din ng pamahalaan na magtungo ng maaga sa mga sementeryo upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao na magdudulot ng mahigpit na trapiko at siksikan.
Ipinaalala ng pamahalaang lungsod ng Taguig na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala at pag-inom ng alak sa mga pampublikong sementeryo, at gayundin ang paninigarilyo at pagve-vape. Kukumpiskahin din ang anumang matutulig na bagay tulad ng kutsilyo, cutter, gunting at iba pa. Bawal din ang pagdadala ng baril lalo na at may firearms ban dahil sa halalang pambaranggay.
Ipinagbabawal din ang pagsusugal, malakas na pagpapatugtog, at pagdadala ng mga nakalalason ay nakakasunog na mga bagay.
Maglalagay ang pamahalaang lungsod ng mga Help Desks, Medical Area, palikuran at water refilling stations para sa publiko.
Narito naman ang mga oras ng pagbubukas at pagsasara ng mga sementeryo sa Taguig ngayong Undas: Ang Libingan ng mga Bayani ay bukas sa Oktubre 27 hanggang 30 ng alas 6 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi. Sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1, ito ay bukas ng alas 6 ng umaga hanggang alas dose ng hatinggabi. Sa Nobyembre 2 hanggang 4, bukas ang Libingan ng mga Bayani ng alas 6 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.
Ang Heritage Park naman ay bukas ng alas 7 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi sa Oktubre 30. Pagdating ng Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1, bukas ito ng alas 5 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi. At sa Nobyembre 2, bukas ito ng alas 5 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.
Ang Garden of Memories Memorial Park and Chapels naman ay bukas sa Oktubre 27 hanggang 30 ng alas 6 ng umaga hanggang alas sais lang ng gabi. Pero sa Oktubre 31, bukas ito ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi. Sa Nobyembre 1, bukas ito ng alas 5 ng umaga hanggang alas 12 ng hatinggabi. At sa Nobyembre 2 hanggang 4, bukas ito ng alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
Sa Hagonoy Catholic Cemetery, ang operasyon nito sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 1 ay mula alas 5 ng umaga hanggang alas 6 lang ng gabi. Sa Nobyembre 2 hanggang 4, bukas ito ng alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Sa mga magtutungo naman sa Tuktukan Cemetery, ito ay bukas ng alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi sa Oktubre 30. Pagdating ng Oktubre 31, ito ay bukas ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi. At sa Nobyembre 1, alas 6 ng umaga hanggang alas 12 ng hatinggabi ito bukas. Sa Nobyembre 2 naman, bukas ito ng alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.
Ang mga magtutungo sa Tipas Roman Catholic Cemetery sa Oktubre 30 ay maaaring pumasok sa sementeryo ng alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi. Sa Oktubre 31, bukas ito ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi. Sa Nobyembre 1, ito ay bukas ng alas 6 ng umaga hanggang kinabukasan ng alas 2 ng madaling araw. Magsasara lamang pansamantala at bubuksan na naman sa Nobyembre 2 ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Sa Bagumbayan Catholic Cemetery, ang schedule sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ay 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Ang Imam Moh Kusin Memorial Park ay bukas ng Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Ang Aglipay Cemetery naman ay bukas ng Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 ng alas 6 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
Ang Taguig Public Cemetery ay bukas ng alas 5 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi sa Oktubre 27 hanggang 31. Sa Nobyembre 1, bukas ito ng alas 5 ng umaga hanggang alas 2 ng madaling araw kinabukasan. At sa Nobyembre 2, ito ay bukas gn alas 5 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.
(Photos by Taguig PIO and Taguig City Police)
Ipinalabas na ang mga Panuntunan sa Pagbisita sa mga Sementeryo sa Taguig at Schedule ng Pagbubukas at Pagsasara ng mga Sementeryo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: