Isang low pressure area (LPA) ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Batanes dahil sa posibilidad na mabuo bilang bagyo ngayong katapusan ng linggo.
(Larawan ng PAGASA)
Sa pinakahuling pagtataya ng PAGASA, ang LPA ay nakitng nasa 745 kilometro silangan timog-silangan ng Itbayat, Batanes.
Sinabi rin ng PAGASA na ang takbo ng LPA na puwedeng maging bagyo ay pa-Taiwan, Sakaling maging bagyo, ito ay tatawaging Igme. Ito ang magiging ika-siyam na bagyo na tatama sa bansa.
Sa ngayon, ang habagat ang nagpapaulan sa maraming bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Ilocos Region, at gayundin sa Visayas at Smar Island.
For now, however, the southwest monsoon, locally termed habagat, will continue to bring cloudy skies with rain in many parts of Luzon, including Metro Manila, Zambales, Bataan, Ilocos Region, and Samar island, and Visayas.
Pinaalalahanan din ang mga maliliit na sasakyang pandagat na maglalayag sa karagatan ng Luzon tulad ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan, kasama na ang Kalayaan Islands dahil ang alon dito ay aabot sa 2.5 hanggang 3.4 metro.
Isa Na Namang Bagyo, Posibleng Mabuo Ngayong Katapusan ng Linggo sa may Batanes; Papangalanang Igme | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: