Labinglimang taong gulang lamang ang isang babaeng kasama ng isang 27 taong gulang na lalaki na naaresto ng mga pulis ng Southern Police District at Taguig City Police dahil sa pagdadala ng mahigit sa apat na milyong pisong hinihinalang shabu sa parking lot ng isang mall sa Taguig kamakailan.

News Image #1

(Larawan ng Southern Police District)

Madaling araw noong Nobyembre 5, 2024, nang mahuli sa buy-bust operation sina alyas Alvin, 27 taong gulang at alyas Miracle, 15 taong gulang.

Dala ng mga ito ang 600 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP4.08 milyon.

Nakuha rin sa mga ito ang isang kalibre 9mm na may magazine at bala, mobile phone at ang buy bust money.

Haharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, sa ilalim ng Article II ng Republic Act (RA) 9165 at RA 10591 (illegal possession of firearms).