Aayusin ng Meralco at ng service provider ng Manila International Airport Authority ang kuryente sa Ninoy Aquino International Airport na magiging dahilan ng power interruption doon mula Pebrero 6 hanggang Marso 7, 2024.


News Image #1


Ang serye ng nakaskedul na electrical maintenance activities ay isasagawa sa NAIA Terminals 1 at 2, International Cargo Terminal, MIAA Administration Building, at sa airfield.

"This is part of the ongoing upgrade of NAIA's electrical systems," ayon sa post sa social media ng MIAA.

Bagaman at may electrical maintenance activities, hindi ito makakaapekto sa operasyon ng mg paliparan at walang makakanselang flights, ayon sa pamunuan ng MIAA.

Nais ng MIAA na maiwasang maputol ang daloy ng kuryente sa paliparan at ma-upgrade ang mga sistema nito.


(Larawan ni Vera Victoria)