Nakakulong na ngayon sa Bureau of Immigration (BI) Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, ang isang Italyanong lalaking wanted sa Italy dahil sa pang-aabuso sa isang sampung taong gulang na batang babae.

News Image #1


Bukod dito, expired na rin ang pasaporte ng 57 taong gulang na Italyanong si Stefano Todeschini simula pa noong 2017.

Naaresto si Todeschini ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit sa Lahug, Cebu City noong Abril 5, 2024.

Napag-alaman na tumakas sa kanilang bansa si Todeschini makaraang ipalabas ng korte ng Vicenza, Italy ang isang warrant of arrest laban sa kaso nitong pang-aabuso sa isang menor de edad na babae.

"Todeschini was reportedly charged before the said court for rape and sexual assault against a minor in violation of the Italian Penal Code. Prosecutors alleged that Todeschini committed the crimes against a 10-year-old girl on multiple occasions."

Mayroong red notice sa International Criminal Police Organization (Interpol) laban kay Todeschini at isang mission order ang ipinalabas naman ni BI Commissioner Norman Tansingo para sa agarang paghuli at deportasyon ng Italyano, batay sa kahilingan ng Italian Embassy sa Manila.

Isa na ring undocumented alien si Todeschini dahil ang kanyang Italian Passport ay nag-expire na noong Mayo 2017.

"This should serve as another warning to foreign criminals that the long arm of the law with catch them wherever they might hide," ayon kay Tansingco.

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)