Isang Japanese na wanted sa kanyang bansa dahil sa diumano ay panlilinlang at pagnanakaw ng umaabot sa pitong milyong yen o aabot sa P2 milyon ang naaresto sa mismong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa SM Aura, Bonifacio Global Coty sa Taguig City noong Nobyembre 15, 2024.

News Image #1

(Larawan ng BI)

Nag-apply ng pagpapalawig sa kanyang tourist visa ang Japanese na si Kudo Tomoya, 31 taong gulang nang makita ng BI na ito ay nasa watchlist dahil sa kaso nito sa Japan. Noong Nobyemrbe 8, 2024 lamang natanggap ng BI ang komunikasyon sa mga otoridad sa Japan na nagsasabing may warrant of arrest si Kudo.

Ang warrant ay inisyu ng Tokyo Summary Court noong Agosto dahil sa pagpasok ni Kudo sa dati nitong opisina noong 2022 at nagnakaw ng isang bankbook at kagamitan sa opisina. Nagpanggap ito bilang empleyado ng kanyang dating opisina at niloko ang isang empleyado ng bangko para makakuha ng pera gamit ang naturang bankbook.

Dumating sa Pilipinas si Kudo noong Oktubre 15, 2024, at nais sana nitong mapalawig pa ng higit sa isang buwan ang kanyang pananatili sa bansa.

Nasa BI Detention facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig ngayon si Kudo at inihahanda na para sa deportasyon.