May pagkakataon pa upang matunghayan ang Sogetsu Ikebana exhibit ngayong araw na ito, Oktubre 1, 2023 sa ikalawang palapag ng Uptown Mall sa 36th Street ng Bonifacio Global City, Taguig City.
Ang tatlong araw na exhibit ng mga papel na bulaklak na inayos kasama ang iba pang mga materyales na ni-recycle o ni-repurpose ay magtatapos na ngayong araw na ito ng Linggo.
Tampok sa Sogetsu Ikebana exhibit na ang tema ay "Papel" ang mga gawa ng mga artist sa bansa na ang ilan ay hobby ang origami at pag-aayos ng mga papel na bulaklak bilang pang-display sa bahay o opisina.
Ang opisyal ng SM Foundation na si Neny Regino ay isa sa exhibitors kung saan itinampok niya ang kanyang mga tinupi-tuping papel na ginawang bulaklak at origami, na pinamagatan niyang "Fly, Fly, my Geisha." Sa larawan sa ibaba, kasama niya si Japanese Cultural Officer Mr. Matsuya na nag-ikot sa nasabing exhibit.
Ang Sogetsu Ikebana ay nagsimula noong 1927 nang itatag ni Sofi Teshigahara ang isang eskwelahan na nagtutulak ng mas malayang pamamaraan ng ikebana o ang art ng Japanese flower arrangement.
Ang ikebana ay isang pormal na flower arrangement na mayroong mga mahihigpit na panuntunan. Binago ito ni Teshigahara nang itayo niya ang kanyang eskwelahan kung saan maaaring gawin ng isang artist ang kanyang nais sa kanyang paper flower arrangement bilang paglalabas ng kanyang sariling art.
(Photos by Neny Regino)
Japanese Paper Flower Arrangement Exhibit, Hanggang Ngayong Araw na Lang sa Uptown Mall | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: