Isang bagong sentro ng aralan ang pinondohan ng Embahada ng Israel sa Pilipinas at inilagay sa Bagong Tanyag Elementary School - Annex A (BTES-A) sa South Daang Hari, Taguig City,
Binuksan noong Enero 9 ang Jerusalem Learning Resource Center sa Bagong Tanyag Elementary School - Annex A na pinangunahan ng Ambassador ng Israel sa Pilipinas na si Ilan Fluss.
"Named after the heart of Israel which is Jerusalem, our capital, this library is a humble donation and an unwavering commitment we share towards nurturing the minds of the future generation," ayon kay Fluss.
"This center is our contribution to Brigada Eskwela 2023 and we look forward to participating and contributing to future initiatives and opportunities in the education center," dagdag pa ni Fluss.
Ang Jerusalem Learning Resource Center ay isang library na may mga educational materials, isang TV, at mga komportableng mesa at bean bags.
Ang may 2, 000 estudyante ng BTES-A ay maaaring makagamit ng libre sa naturang learning resource center.
Sa pahayag naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na binasa ng kanyang representanteng si Councilor Bryan Serna, sinabi nitong "this remarkable initiative, made possible through the sponsorship of the Embassy of Israel in the Philippines, is truly a blessing for our community and sets a positive tone for the year ahead. It will serve as a hub for knowledge, lifelong learning, and community engagement. This also reflects Israel's belief in the transformative power of education, a sentiment that resonates with the values of our city. We express our heartfelt gratitude to the Embassy of Israel for their kind deeds and dedication in providing our students with this invaluable learning resource."
Binasahan din nina Fluss at Serna ang mga bata ng istorya nina David at Goliath sa pagbubukas ng Jerusalem Learning Resoource Center.
(Photos by the Embassy of Israel)
Jerusalem Learning Resource Center, Binuksan sa Bagong Tanyag Elementary School | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: