Magsasagawa ng pambansang job fair ang Civil Service Commission (CSC) mula Setyembre 2 hanggang 6, 2024 bilang bahagi ng ika-124 na Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

News Image #1

(Larawan ng CSC)

Ang mga interesadong magtrabaho sa gobyerno ay magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng posisyon dito kung papasa sa mga kinakailangan ng bawat agensiya,

Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles na inaasahan niyang lalahok ang maraming mamamayan para magkaroon ng career sa pampublikong sektor.

"The PCSA is a celebration not only of the CSC but also of all the government agencies and the 1.9 million civil servants across the nation. Through the 2024 Government Job Fair, we are opening doors to a new batch of dedicated individuals who are eager to serve the public, ensuring that we continue to attract passionate talent committed to making a positive impact in our communities and upholding the values of good governance," ayon kay Nograles.

Labinganim na CSC Regional Offices ang mangunguna sa job fair kung saan ang mga ahensiya ng pambansang pamahalaan, local government units, state at local universities at colleges at gayundin ang mga government-owned and controlled corporations ang magbubukas ng kanilang pintuan para sa mga bagong aplikante.

Ang kaganapan ay gagawin sa iba't ibang malls at civic centers sa mga rehiyon sa bansa.

Bukas ang aplikasyon para sa lahat ng mga interesado at kwalipikadong aplikante, kasama ang mga persons with disability, miyembro ng indigenous communities at hindi hadlang ang sexual orientation at gender identities sa pag-a-apply.


"This year's job fair will take place during the first week of the PCSA celebration dubbed as Linggo ng Lingkod Bayani, highlighting the vital contributions of an effective civil service to national development. We eagerly anticipate the participation of government offices and the public as we work together to strengthen our civil service," ang pahayag pa ni Nograles.

Abangan ang mga partikular na detalye kaugnay ng pagsasagawaan at oras ng job fair sa website na ito: csc.gov.ph/pcsa2024.