Nakakulong ngayon sa Bureau of Immigration (BI) Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang isang Jordanian national na wanted sa Dubai, United Arab Emirates dahil sa kasong pagnanakaw.

News Image #1

(Larawan ng BI)

Naaresto ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) si Shalabi Nidal Mohd Suleiman, 53 taong gulang, sa Lupon, Davao Oriental City noong Nobyembre 26, 2024, hindi lamang dahil sa kaso nitong pagnanakaw sa Dubai kung hindi dahil ito rin ay lumampas na sa panahon ng pananatili nito sa Pilipinas.

Napag-alaman na si Suleiman ay nagnakaw diumano ng perang mahigit sa 110,000 Euros at 200,000 AED mula sa dati nitong amo.

Ipapatapon na palabas ng bansa ang Jordanian national at inilagay na rin ito sa blacklist ng BI.