Nagsagawa ng dalawang araw na seminar para sa Project Patrolling and Response Operation To Empower CVO and Tanods (P.R.O.T.E.C.T.) ang Taguig City Police Station sa Barangay Tanyag, Taguig City noong Mayo 24 hanggang 25, 2024.

News Image #1


Sa pamumuno ni Police Colonel Christopher Olazo, Acting Chief of Police ng Taguig City, nagsagawa ng pagtuturo sa mga pangunahing kaalaman sa pagtugon sa krimen ang mga nasa barangay na idinaos sa ika-apat na palapag ng Barangay Hall ng Tanyag.

Kabilang sa mga itinuro ni PSSg Jeriel T Arendain ang Basic Incident Report Writing, First Responder and Crime Scene Preservation, Komprehensibong Paksa sa Mapanganib na Ipinagbabawal na Droga at Elemento ng Krimen.

News Image #2


Ang itinuro naman ni PLt. Gumabay ay ang communication at radio codes.

Sa ikalawang araw, ibinahagi ni PSMS Randulph Dalogdog ang mga dapat malaman kaugnay ng Citizen's Arrest, Arrest, Search and Seizures, at Miranda Doctrine, si PLt. Glenda Aquino naman ang nagbahagi ng kaalaman sa RA 9262, Batas Laban sa Karahasan sa mga Kababaihan at kanilang Anak, RA 11313 na Safe Spaces Act, RA 7877 na Anti-Sexual Harassment Act at RA 8353 na Anti-Rape Law.

Sa huling bahagi, itinuro naman ni PCpl. Levy Hermosa ang wastong paggamit ng posas at Basic Self Defense.

(Mga larawan mula sa Taguig City Police)