Isang 23 taong gulang na aplikanteng kadete ng Philippine Navy ang nasawi makaraang mahulog umano sa ginagawang gusali ng Senado sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.
(Larawan ni Dexter Terrante)
Ayon sa tagapagsalita ng Senado na si Arnel Bañas, ang lalaki na isang civilian kitchen staff ng Philippine Navy ay pumasok sa construction site ng New Senate Builing noong Hulyo 25, 2024 ng alas 9:00 ng gabi habang pauwi na ang mga manggagawa nito.
May kasama diumano ito na humabol dito, gayundin ang mga security guards ng ginagawang gusali subalit hindi nila nakita ang lalaki kahit ni-review na ang mga CCTV.
Alas 10:00 ng gabi nang matagpuan ang lalaki na wala nang buhay makaarang tumalon diumano sa north tower ng ginagawang gusali ng Senado.
"The Senate is taking this matter very seriously. We extend our full support to the on-going investigation to find out the actual circumstances surrounding this tragic incident," ayon kay Bañas kasabay ng pagsasabing ipinag-utos na ni Senate President Francis Escudero ang agarang imbestigasyon sa pangyayari at pag-review sa mga panuntunan sa construction site ng New Senate Building.
Aplikanteng Kadete ng Philippine Navy, Tumalon Diumano sa North Tower ng Ginagawang New Senate Building | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: