Murang bigas, gulay, prutas, karne at iba pang tinda ang ibinenta sa Kadiwa ng Pangulo sa Taguig Eco Park sa Barangay Pinagsama, Taguig City noong Oktubre 21, 2024.
Nagtulong-tulong ang Taguig Agriculture Office at ang Office of the President, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment, Department of Social Welfare and Development, at Department of the Interior and Local Government upang maitayo ang mga booths na pinagtindahan ng mga maliliit na nagtatanim at mga negosyante.
Sa ikalawang bahagi ng programa, nakatanggap ng suportang P2, 000 bawat isa ang 563 miyembro ng homeowners' associations (HOA) na pantulong sa kanilang arawang pangangailangan at pambili nila ng mga bilihin sa Kadiwa.
Ang Kadiwa ng Pangulo program ay isang inisyatiba ng pamahalaang Marcos upang bigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka at maliliit na negosyante na maibenta ang kanilang produkto sa mga mahihirap na mamamayan sa abot-kayang halaga.
Nagtungo si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa naturang kaganapan.
(Mga larawan ni Dexter Terante)
Kadiwa sa Pangulo, Isinagawa sa Barangay Pinagsama | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: