Ang mga Kadiwa stores, kabilang ang nasa Food Terminal Incorporated (FTI) sa Barangay Western Bicutan, Taguig City, ay gagawin nang standard ang pagsasagawa ng operasyon - mula sa oras hanggang araw.

News Image #1

(Larawan mula sa Philippine News Agency)

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito ay para alam ng tao ang oras at araw ng operasyon ng lahat ng Kadiwa stores.

Sa ngayon ay may 17 regular na nagsasagawa ng operasyon na Kadiwa stores at 230 iregular ang operasyon na tindahan ng Kadiwa.

Bukod sa FTI-Taguig, ang iba pang Kadiwa stores ay nasa Bureau of Animal Industry Dome at National Irrigation Administration (NIA) sa Quezon City; Bureau of Plant Industry sa Malate, Manila; Philippine Fiber Industry Development Authority sa Las Piñas; Bayani Fernando Central Terminal at Barangay Fortune sa Marikina; at ang mga nasa Llano, Caloocan; Valenzuela; Pantao Fisherfolks Consumer Cooperative sa Malabon; Navotas Institute sa Navotas; San Jose del Monte, Bulacan; Antipolo City; Bacoor, Cavite; at San Pedro City Hall sa Santa Rosa, Laguna, which na nagsasagawa ng operasyon mula Huwebes hanggang Sabado.

"Kapag na-establish na namin iyong smooth logistics flow ng goods at saka iyong transaction, takbo ng transaction, ie-expand na natin iyan," ang pahayag ni Laurel.

Binabalak ng DA na palawigin pa ng mula 800 hanggang 1000 ang mga Kadiwa stores sa buong bansa. Balak din na magpa-franchise ng Kadiwa stores kung saan papayagan ang nasa pribadong sektor o kooperatiba na gamitin ang pangalang Kadiwa sa ilang piling lugar.

Hindi lamang murang bigas ang nabibili sa Kadiwa kung hindi maging gulay, isda, itlog at karne.

May P29 kada kilong bigas na na-stock subalit maayos pa mula sa National Food Authority at bigas na P45 kada kilo sa ilalim ng Rice for All Program kung saan halong imported at local well-milled rice ang ibinebenta sa publiko sa mga Kadiwa stores.