Kaalaman at kahandaan sa panahon ng kalamidad at sakuna lalo na sa pangangalaga ng mga may kapansanan ang tinalakay sa isinagawang Home Management Training on Disaster Risk Reduction for PWDs and Parents/Caregivers sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City kahapon, Hulyo 17, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa FB Page ni Mayor Lani Cayetano)

Bilang selebrasyon ng National Disability Rights Week, tinalakay ang mga pamamaraan ng pagresponde sa panahon ng sakuna o emergency.

News Image #2

(Larawan ni Lalaine Guanzon)

Kabilang din sa tinalakay ang pagprotekta, pagtugon at pagbangon mula sa mga sakuna at sitwasyong pang-emergency.

Pinatibay rin ang paniniwala sa sarili at tapang sa pagsuong sa mga pangyayaring hindi kontrolado.


Kabilang sa lumahok dito ang CDRRMO, PDAO at City Health Office, mga magulang, tagabantay, tagapag-alaga at ang mga persons with disability.