Ang kandidata ng Barangay Central Signal ang itinanghal na Mutya ng Taguig 2024 sa Crowning Ceremony na isinagawa sa Taguig City Auditorium kagabi, Mayo 25, 2024.



Si Alessandra Leanne Plantado ay nagkamit ng P100, 000 cash prize, korona, sash at plake. Bukod dito, itinanghal din siyang Best in Swimwear at Best in Long Gown na may tig- P20, 000 premyo.

News Image #1


First runner-up naman si Danielle Mariz Lamptey ng Barangay Central Bicutan na may premyong P70, 000. Itinanghal ding Miss Photogenic si Lamptey na may cash prize na P20, 000.

News Image #2


Ang second runner-up naman ay si Charish Apple Arellon ng Barangay Santa Ana na may P60, 000 na premyo.

Itinanghal namang third runner-up si Yllana Marie Macapagal ng Barangay Bagumbayan at binigyan ng premyong P50, 000.

Ang fourth runner-up ay si Aubrey Ysabelle Delos Reyes ng Barangay South Signal na ginawaran ng P40, 000 na premyo.

Ang lahat ng runners-up ay mayroong korona, sash at plake.

News Image #3


Nakatanggap naman ng P20, 000 cash prize ang mga binigyan ng special awards: Best in Talent ang kandidata ng Barangay Calzada-Tipas na si Maria Christine Vallega, Darling of the Press ang kandidata ng Barangay Upper Bicutan na si Shirimah Dimarunsing, Most Creative Advocacy Video award naman ang nakamit ng kandidata ng Barangay Post Proper Northside na si Jerelleen Rodriguez at Miss Congeniality ang kandidata ng Barangay Pitogo na si Rhonda Felizmeña.

News Image #4

(Best in Talent - Barangay Calzada Tipas)

News Image #5

(Darling of the Press - Barangay Upper Bicutan)

News Image #6

(Most Creative Advocacy Video - Barangay Post Proper Northside)

News Image #7

(Miss Congeniality - Barangay Pitogo)

Nakapasok sa Top 15 ang mga kandidata ng Barangay Bambang, Palingon-Tipas, Comembo, Western Bicutan, New Lower Bicutan, Post Proper Northside, Tanyag, Post Proper Southside, Calzada-Tipas, at Pembo.

News Image #8


Ang coronation night ng Mutya ng Taguig 2024 ay dinaluhan nina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Senador Alan Peter Cayetano, Vice Mayor Arvin Alit, Congressman Ricardo Cruz, Miss Universe Philippines - Taguig Christi McGarry at marami pang ibang personalidad.

Kabilang sa mga hurado ang news anchor na si Emma Tiglao na naging Binibining Pilipinas Intercontinental 2019, Director Petersen Vargas, Katrina Llegado na 2022 Miss Universe Philippines 2nd runner-up, Ian Mendajar na isang pageant coach, at Lemuel Rosos na isang fashion designer.

Ang mga nag-host naman ng coronation night ay sina Nicole Cordoves na first runner-up sa Miss Grand International 2016 at Jazper Tiongson na isang singer-songwriter.

(Mga larawan at video clip mula sa Facebook Page ng Mutya ng Taguig 2024)