Isang kandidato para sa pagiging kapitan ng Barangay Bagumbayan ang tinanggal na sa listahan ng mga opisyal na kandidato para sa Barangay Elections ngayong darating na Oktubre 30, 2023.
Ayon sa Commission on Elections, dinisqualify nila si Benedicto O. Santos, Jr. noong Oktubre 13 dahil isa itong nuisance candidate.
Nakasaad sa desisyon ng Comelec na tinangkang lituhin ni Santos ang mga botante dahil sa paggamit ng kaparehong palayaw sa isa pang kandidato na tumatakbo rin sa kaparehong posisyon.
"Declared as a Nuisance Candidate due to the intention to cause confusion among the voters by using a nickname similar to the nickname of another candidate in the same position," ang nakasaad sa listahang inilabas ng Clerk of the Commission (Comelec).
Pitong iba pang kandidato sa pagka-barangay captain at Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ang tinanggal din sa listahan ng mga opisyal na kandidato ng Comelec.
Kabilang dito si Aniano Pancho Capinig na tumatakbo bilang kapitan sa Barangay Cabas-an, Aroroy, Masbate, dahil napag-alaman na may kaso itong nahatulan ng pagkabilanggo ng 18 buwan.
Si Ireneo Polinar naman na tumatakbong barangay captain ng Pualas, Don Carlos, Bukidnon ay na-disqualify dahil sa isang kasong administratibo nito.
At Rey Tumalaytay na tumatakbong barangay captain sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires Cavite, dahil sa paggamit din ng alyas na tulad ng pangalan ng isa pang kandidato na tumatakbo rin sa kaparehong posisyon.
Disqualified din sa pagtakbo bilang SK Chairman sina Ivy Jane Parohinog Miranda ng Barangay Malag-it, Calinog, Iloilo; Merson Calubag na tumatakbo sa Barangay Magtangale, San Fransisco, Surigao del Norte; at Jasper Galupo Jarito na tumatakbo sa Barangay Giparayan, Pambujan, Northern Samar.
{Photo by Commission on Elections)
Kandidato para sa pagka-Barangay Captain ng Bagumbayan, Disqualified | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: