Nakakapanatili ng legal sa Pilipinas ang mga dayuhan kapalit ng bayad na US$20,000.
(File photo of Boracay)
Sinabi ni Senador Loren Legarda na nasasamantala ito ng ilang dayuhang miyembro ng sindikato.
Inamin naman ni Philippine Retirement Authority General Manager at Chief Executive Officer Roberto Zozobrado, na may ganito ngang iniaalok ang kanilang ahensiya sa mga dayuhang nais magretiro sa Pilipinas at nabibigyan sila ng non-immigrant visa sa halagang US$20,000, na maaaring ideposito ng mga ito sa anumang accredited na bangko.
Kung ang dayuhan ay nakakatanggap na ng pensyon mula sa US$800 hanggang US$1,200, kailngang magdeposito sila ng US$10,000.
Para naman sa mga dating Pilipino o opisyal ng mga multinational organizations na tinatanggap ng Department of Foreign Affairs, kinakailangang magbayad naman sila ng US$1,500.
Sinabi ni Zozobrado na sa pamamagitan ng non-immigrant visa, maaari silang manatili sa Pilipinas kahit hanggang kailan nila gusto, maliban na lamang kung nais nilang baguhin ang kanilang status at magbalik na muli sa kanilang bansa.
Ang benepisyo aniya nito ay maaari silang maglabas-masok sa ating bansa.
Ayon naman kay Legarda, kailangang pag-aralan muli ito.
Sinabi ni Zozobrado na may 58, 000 mga dayuhan na nagretiro na sa Pilipinas mula 1997 hanggang sa kasalukuyan. Karamihan sa mga ito ay mula sa China at sinundan ng mga taga-South Korea.
Ayon naman kay Toursim Secretary Christina Frasco nakikita lamang nila ang tulong na nagagawa rin sa turismo at ekonomiya ng liberalisasyon ng pag-iisyu ng pangmatagalang pananatili na visa na ginagawa na rin ng mga miyembong bansa ng Association of Southeast Asian Nations.
Sinabi ng Kalihim na mayroon namang nakabantay para sa seguridad at kasiguruhng hindi magagamit ng mga sindikato ng ganitong uri ng visa.
Hiningi naman ni Legarda ang listahan ng 58, 000 na dayuhan na na-isyuhan ng long stay visa upang mapag-aralan ito.
Kapalit ng US20, 000, Nakakapanatili ng Matagal sa Pilipinas ng Legal ang mga Dayuhan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: