Isang prusisyon para kay San Jose ang isinagawa ng mga residente ng Barangay Upper Bicutan noong Lunes, Marso 19, 2024, ang Araw ng Kapistahan ni San Jose.
(Kuha ni Dek Terante)
Nagsagawa naman ng Caracol Street Dancing Competition noong Linggo, Marso 18, na dinaluhan ng mga mananayaw mula sa Barangay Central at Upper Bicutan.
(Larawan mula sa FB Page: Upper Bicutan)
Nag-kampeon sa naturang dance competition ang The Amazing Staff Movers, na sinundan ng 1st Runner Up na Couples for Christ at 2nd Runner Up na Zumba Warriors.
Kabilang sa mga dumalo sa kasiyahan sina Rev. Fr. Errol Fidel Mananquil, ang parish priest ng Saint Joseph Parish, Barangay Upper Bicutan Captain Francis Sunga at ang mga kagawad ng barangay gayundin ang SK Chairman na si Cris Ivan Guzman at ang kanyang konseho.
Si San Jose ay ang asawa ni Blessed Virgin Mary at legal na ama ni Hesus. Itinalaga ang Marso 19 bilang kanyang kapistahan ng Simbahan ng Romano Katoliko simula noong taong 1479.
(Kuha ni Dek Terante)
Kilala rin si San Jose bilang Patron ng Universal Church, isang titulong ibinigay sa kanya ni Pope Pius IX. Tinatawag naman ang kanyang kapistahan bilang The Solemnity of Saint Joseph.
Kapistahan din ni San Jose sa Mayo 1, na tinatawag na Feast of Saint Joseph the Worker, na itinalaga naman ni Pope Pius XII, kasabay ng selebrasyon ng International Workers' Day.
Kapistahan ni San Jose, Ipinagdiwang sa Barangay Upper Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: