Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang Yellow Warning ay nakataas ngayon sa Zambales at Bataan, sa kanilang inisyung bulletin kanina lamang na 11:00 ng gabi ng Setyembre 3.
Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng mga pagbabaha at pagguho ng lupa sa naturang mga lalawigan.
Samantala, katamtaman hanggang sa minsan ay malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Laguna, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, at Quezon na tatagal ng tatlong oras o hanggang mamayang madaling araw.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang Disaster Risk Reduction and Management Offices sa mga local government units na magmonitor sa kalagayan ng panahon at abangan ang susunod na babala sap ag-ulan na ipalalabas mamayang alas 2:00 ng madaling araw.
Kaninang alas 10:00 ng gabi, ang bagyong Enteng ay nasa 210 kilometro sa kanluran hilagang kanluran ng Laoag City habang napapanatili nito ang lakas at pagkilos.
(Mga larawan mula sa PAGASA)